-- Advertisements --
image 178

Hindi bababa sa 24-katao ang namatay at patuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawalang campers sa nangyaring landslide sa isang campsite sa Malaysia.

Ayon sa mga rescuers, maliit na ang tiyansa na makita pa ang mga nawawala dahilan na rin sa nakakamatay na pagguho ng lupa

Naganap ang pangyayaring ito habang natutulog sa kanilang mga tent ang mga campers, nasa 61 naman na katao ang ligtas at pinaghahanap pa ang 9 na nawawala.

Dagdag pa ng mga rescuers na kasama sa bilang ng mga namatay ang pitong bata na nawalan ng buhay matapos ang naganap na landslide.

Maliit rin ang tiyansa na may masagip pa ang mga excavator at rescue dog dahil lubog na lubog na rin sa putik ang buong lugar, kung saan mas lumala pa dahil sa malakas na pag-ulan na nagdulot ng karagdagang pagguho ng mas malaking parte ng lupa.

Ang mga landslide ay karaniwan sa Malaysia ngunit kadalasang nangyayari lamang pagkatapos ng malakas na ulan samantala, humigit-kumulang 21,000 katao naman ang nawalan ng tirahan noong nakaraang taon dahil sa malakas na ulan sa pitong estado.