-- Advertisements --

Aabot sa 24 na mga indibidwal ang nasagip ng mga tauhan Coast Guard District Northeastern Mindanao sa Butuan City, Agusan del Norte.

Ito ay matapos na ma-trap ang naturang mga indibidwal snang dahil sa pagbaha sa Brgy. Buhangin at Brgy. Baan Riverside nang dahil pa rin epekto ng nagpapatuloy na shearline at trough ng low pressure area na nararanasan sa ilang rehiyon sa Pilipinas.

Katuwang ang mga opisyal ng naturang mga barangay ay agad na nagsagawa ng preemptive evacuation ang mga otoridad sa mga apektadong residente na dinala sa evacuation centers.

Samantala sa ngayon ay nasa mabuting kalagayan na ang mga inilakas na residente habang nananatili namang naka-standby ang mga tauhan ng PCG para sa iba pang response operation sa iba pang mga binabahang mga lugar.