Magsasagawa ng 24 oras na lying-in-state o ang tradisyon kung saan ang labi ng isang deceased official ay inilalagay sa isang state building, sa labas o loob ng coffin, para mabigyan ng pagkakataon ang libu-libong tao na nais na magbigay ng tribute sa yumaong Queen Elizabeth II sa huling mga sandali.
Daan-daang libong tao ang inaasahang magbibigay respeto sa pinakamatagal na reyna ng Britanya bago ang kanyang state funeral sa Setyembre 19, na dadaluhan ng mga pinuno ng mundo.
Ayon sa ministry na papayagan ang publiko na magbigay tribute mula 5pm local time sa araw ng Miyerkules Setyembre 14 hanggang 6:30am ng Setyembre 19.
Ang mga nais na dumalo ay kailangang pumila, asahan na matatagalan at posibleng abutin ng magdamag sa pila.
Inaasahan din na dadagsa ang magtutungo at hinihikayat ang mga tao na suriin nang maaga, magplano nang naaayon at maging handa para sa mahabang oras ng paghihintay.
Asahan din ang striktong security checks na mala-airport style sa pagtungo sa Westminster Hall kung saan isasagawa ang lying in state, ang pinakamatandang gusali sa Britain parliament at ipapatupad ang paghihigpit kung saan ang maliliit na bag lamang ang pinahihintulutan na dalhin.
Sisimulan ang lying-in-state sa pamamagitan ng isang ceremonial procession sa gitna ng London para dalhin ang kabaong ng reyna mula Buckingham Palace hanggang Westminster Hall sa araw ng Miyerkules.
Ilalagay ang saradong kabaong ni Queen Elizabeth sa isang mataas na platform, na tinatawag na catafalque, sa Westminster Hall at ilalagay sa Royal Standard na may Orb at Scepter na nakalagay sa itaas. Bawat sulok ng platform ay babantayan din 24 oras ng mga unit mula sa Sovereign’s Bodyguard, Household Division, o Yeoman Warders ng Tower of London.
Magugunita na noong Setyembre 8, pumanaw si Queen Elizabeth II sa Balmoral Castle sa Scottish Highlands at ang kanyang kabaong ay dinala sa Edinburgh noong Linggo at ibyabyahe ito patungong London sa araw ng Martes