-- Advertisements --
doh 1

Muling nakapagtala ang Pilipinas ng 237 bagong kaso ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

Ang aktibong impeksyon sa bansa ay umakyat sa kabuuang bilang na 9,354.

Batay sa pinakahuling numero ng DOH, ang mga bagong kaso ay nagtulak sa COVID19 tally sa buong bansa sa 4,084,255, habang ang aktibong tally naman ay mula sa 9,321.

Sinabi ng departamento na ang nationwide recovery tally ay umabot sa 4,008,470, habang ang nasawi ay umakyat sa 66,431 na may dalawang bagong nasawi.

Ang rehiyon na may pinakamataas na bilang ng kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region (NCR) na may 1,119 na kaso, sinundan ng Davao Region na may 396, Calabarzon na may 357, Northern Mindanao na may 268, at BARMM na may 186.

Sa mga lungsod at lalawigan, ang Davao City ang may pinakamaraming bagong kaso nitong nakaraang dalawang linggo na may 298, sinundan ng Quezon City na may 230, City of Manila na may 181, Cavite province na may 133, at Pasay City na may 105.