Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Makati City na 23 barangay sa lungsod ang makakakuha ng karagdagang P10 milyon na bahagi mula sa basic real property tax collection ng lungsod.
Sinabi rin ni Mayor Abby Binay na kinumpirma na ng Department of Budget and Management (DBM) ang average na pagtaas ng 6.20% sa kanilang pinal na National Tax Allotment (NTA) na alokasyon para sa 2024.
Tulad ng inaasahan, ang pagbubukod ng 10 EMBO barangays ay nagresulta sa mas malaking alokasyon para sa bawat isa sa 23 natitirang barangay mula sa pangunahing koleksyon ng nasabing buwi ng lungsod at sa National Tax Allotment .
Sinabi ni Binay na batay sa Chapter 7, Section 271 (b) of the Local Government Code, 70% ng mga nalikom mula sa mga pangunahing koleksyon ng buwis ay maiipon sa pangkalahatang pondo ng lungsod.
Habang ang 30% ay ipapamahagi sa mga bahagi ng barangay ng lungsod kung saan matatagpuan ang mga properties.
Sinabi ng alkalde na nalampasan ng lungsod ang target nitong 2023 revenue ng 39%, na umabot sa P24.8-B noong Disyembre 31.
Aniya, ang bulk of income ay mula sa business tax na may P12.5-B o 37% na pagtaas noong 2022.