Inaasahang matatapos ngayong buwan ang 23 COVID-19 quarantine facilities na kasalukuyang under construction pa, ayon sa Department of Public Works anf Highways (DPWH).
Ayon kay DPWH Secretary at Philippine isolation czar Mark Villar, pinabibilisan na ngayon ang pagtayo sa mga quarantine facilities na ito lalo pa at pumalo na sa “danger zone” o mahigit 70 percent capacity ang bed occupancy sa Metro Manila.
“Our DPWH team is working on expediting the construction of isolation facilities that can accommodate patients with mild symptoms so that severe and critical cases can be prioritized in NCR hospitals,” ani Villar.
Dahil dito, madadagdagan ang kabuuang bed capacity sa Metro Manila ng 2,417 ngayong Agosto.
“Come August and we will have eight additional isolation and quarantine facilities in Quezon City; four in Pasay City; two in Pateros; and one each in Manila City, Marikina, Parañaque, Makati, Valenzuela, Caloocan, Muntinlupa, Malabon, and Navotas,” dagdag pa nito.