-- Advertisements --
Nasa 23.5 milyon tickets sa World Cup na gaganapin sa Qatar ang posibleng ibenta.
Ayon sa FIFA na hiniling ito ng mga bansang Argentina, Brazil, England, France, Mexico, Qatar, Saudi Arabia at United States.
Karamihan aniya ay nais nilang manood sa final na gaganapin sa Disyembre 18.
Ilan sa mga group games na pinakaaabangan nila ay ang laban sa pagitan ng Argentina at Mexico, England vs. US, at Argentina vs. Saudi Arabia.
Inaasahan na magiging mas mataas ng 30 porsiyento ang presyo nito kumpara noong Russia World Cup 2018.
Sa final games ay aabot sa $1,600 o 45 percent na mas mataas kumpara noong 2018.