Mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic sa bansa umabot na sa higit 2,000 Pilipino ang nagpasaklolo o psychosocial support, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa data ng National Center for Mental Health (NCMH), mula March 17 hanggang May 31 ay 2,298 Pilipino ang tumawag sa kanilang crisis hotline.
Kamakailan nang alertuhin ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang Inter-Agency Task Force matapos lumabas ang ulat ukol sa lumalang kaso ng suicide sa gitna ng pandemya.
Bilang tugon, umapela ang IATF sa religious leaders para tumulong sa pag-responde sa mga nakakaranas ng depression at anxiety.
Sa tala ng NCMH, 45 suicide-related calls ang kanilang natatanggap kada buwan sa nakalipas na taon.
As of May 31, 2020 aabot sa 6,905 Pilipino ang kanilang naalalayan sa mental health service.
“For accurate and updated data on deaths, we are also coordinating with PSA for these numbers,” ayon sa DOH.
Pinayuhan ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire ang mangangailangan ng tulong na huwag mag-atubiling tumawag sa mga hotline na nagbibigay din ng libreng serbisyo para sa mental health.
“Hindi porket tumawag kayo sa hotline na ‘to ay loko-loko kayo o mayroon kayong sira ng ulo. It is okay not to be okay specially at this point of our situation.