-- Advertisements --
Papalo sa 22 ang patay kabilang na ang 10 bata dahil sa snowstorm sa Pakistan.
Ang mga namatay ay na-trap sa kanilang mga sasakyan habang nasa Pakistani highway.
Ayon kay Atiq Ahmed, isang Islamabad police officer, karamihan daw sa mga namatay ay dahil sa hypothermia.
Kasunod na rin ito ng snowstorm malapit sa Murree, isang kilalang vacation destination sa bundok na may layong 40 miles sa northeast ng capital.
Walo raw sa mga namatay ay mula sa pamilya ng kapwa officer ni Ahmed na nakilalang si Naveed Iqbal na namatay din dahil sa sobrang lamig.
Sa Twitter post naman ni Pakistani Prime Minister Imran Khan, sinabi nitong “shocked & upset” daw ito sa pagkamatay ng mga turista matapos ang “unprecedented snowfall.”