-- Advertisements --
cropped Mayon volcano 1

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng nasa 21 volcanic earthquakes sa Mayon Volcano sa Albay nitong nakalipas na 24 oras.

Kung kayat nananatiling nakataas pa rin ang Alert level 2 o increased unrest sa Bulkan.

Ayon sa state monitoring agency, naobserbahan ang mahinang crater glow sa Bulkan.

Nakitaan din ng pagbuga ang Bulkan ng kabuuang 294 tonelada naman ng sulfur dioxide nitong nakalipas na linggo.

Umakyat din ng hanggang 200 meters ang ibinugang moderate plumes ng Bulkan na napadpad sa kanlurang direksiyon.

Muling paaalala naman ng state monitoring agency na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa six-kilometer radius Permanent Danger Zone ng Bulkan gayundin ang paglipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa Bulkang Mayon.

Nagbabala rin ang state monitoring bureau sa biglaang steam-driven o phreatic erruption, rockfalls at landslides at lahar sakaling bumuhos ang malakas na pag-ulan.