-- Advertisements --
Tinanggal na ng US ang 21 miyembro na Saudi Military matapos ang naganap na pamamaril sa air base noong nakaraang buwan.
Sinabi ni US Attorney General William Barr, na ang mga kadete ay natagpuan na may koneksyon sa Jihadist group.
Tinawag din nito na ang pamamaril sa Naval Air Station sa Pensacola ay isang uri ng terorismo.
Dahil sa pangyayari ay itinigil muna ng US ang pagsasanay sa mga Saudi servicemen.
Magugunitang pinagbabaril ng 21-anyos na Saudi Air Force Lieutenant ang ilang katao sa airbase na ikinasawi ng tatlong katao noong Disyembre 6.