-- Advertisements --

Nakasampa na sa PNP Internal Affairs Service (IAS) ang administrative case laban sa 21 mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Calbyaog City Mayor Ronald Aquino.

Ayon kay PNP IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, tatapusin nila ang pagdinig sa kaso sa loob ng 20 araw para makapaghain sila ng rekomendasyon kay chief PNP.

Paliwanag ni Triambulo, ang walo sa 21 pulis na sangkot sa insidente kabilang sina Lt. Col. Harry Sucayre, Lt. Col. Shyrile Tan na kinasuhan dahil umano kasama sila sa pagpaplano ng ambush gamit ang tauhang pulis na umano’y naka-bonnet.

Habang ang 11 mga pulis naman ay nahaharap sa grave irregularity in the performance of duty dahil sa hindi pagsunod sa umiiral na PNP operational procedure sa pagsasagawa ng operasyon.

Ang walong mga pulis na nahaharap sa kasong grave misconduct at grave irregularity in the performance of duty ay ang mga sumusunod:


PNP-IMEG Visayas:

  1. PLtCol. Harry Sucayre
  2. PLtCol. Shyrile Tan
  3. PLt. Julio Armeza Jr.
    EOD /K9, Samar PPO:
  4. PSSG Neil Cebu
    PDEU, Samar PPO:
  5. PCPL Edsel Omega
    Police Regional office 8:
  6. PCPL Ariel Advincula
  7. PCPL Marlon Rellita
  8. PCPL Ramil Rosales

Ang 11 pulis naman na kinasuhan dahil sa grave irregularity in the performance of duty ay ang mga sumusunod:

Regional Drug Enforcement Unit 8:

  1. PCPT Dino Goles
  2. PSMS Jimmy Jurdan
  3. PSSG Nelson Cabrito
  4. PSSG Joey Uy
  5. PSSG Cyrus Cañoneo
  6. PSSG Randy Merelos
  7. PSSG Joseph Pilapil
  8. PCPL Julius Garcia
  9. PCPL Remart Obseñares
  10. PAT Niño Salem
  11. PAT Angie Daprosa))

Less grave neglect of duty naman ang kinakaharap nina Col. Michael David, director ng PNP IMEG Visayas at Lt. Col Neil Montano ng Regional Intelligence Division ng PRO-8 dahil sa command responsibility.

Sinabi ni Triambulo na matatanggal sa serbisyo ang mga nasabing mga pulis kung mapapatunayang guilty sa naturang mga kaso.

Bukod sa tanggal sila sa serbisyo, mawawala ang kanilang mga benipisyo at forfeited ang kanilang eligibility. Hindi na rin sila maaaring mag-empleyo sa lahat ng tanggapan ng gobyerno dahil sila ay disqualified.

Sa kabilang dako, pito sa mga naturang pulis ang sinampahan ng kasong kriminal ng NBI.

Una nang inamin ng whistleblower na si PMSgt Jose Jay Senario sa Senado na nakipagsabwatan ang mga pulis sa kalaban ni Aquino sa pulitika upang maisangkot ito sa iligal na droga.