Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Lieutenant General Archie Gamboa na isasailalim sa tatlong buwang probationary period ang 21 high ranking officers na kabilang sa ipinatupad na major revamp.

“I have ordered the massive revamp beginning at the National Headquarters down to the Regional levels. We expect fresh ideas, fresh enthusiasm and fresh resolve from commanders at all levels to carry their share of weight in our campaign against illegal drugs and Internal Cleansing,” pahayag ni Lt. Gen. Gamboa.

Ayon sa PNP officer-in-charge, mananagot ang mga opisyal sa kanilang magiging aksyon sa panahon ng kanilang pamumuno.

“Beginning today, all key positions are under probation for three months. And all promotions will be on hold. And I will make sure the ax will fall where it should if these leaders will not deliver results,” dagdag ni Gamboa.

Siniguro pa ni Gamboa na magkakaroon ng pagbabago sa loob ng tatlong buwan para patunayan na deserving ang mga opisyal sa kanilang bagong puwesto.

Aminado kasi ito na naapektuhan ang PNP sa kinasangkutang kontrobersiya hinggil sa “ninja cops” kung saan nadawit din dito si dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Tiniyak naman ni Gamboa na sa kabila ng kontrobersiya, “on track” pa rin ang kanilang kampanya laban sa iliga na droga, krimen at korupsyon.

“We cannot do this alone. We need all the help we can muster to win and to achieve a safer and more secured community every Filipino truly deserves,” paliwanag ni Gamboa.

Binigyang-diin ng PNP-OIC na lahat ng PNP personnel ay hindi dapat i-tolerate ang lawlessnes, at dapat maging mas mahigpit sa mga kriminal.