-- Advertisements --

Patay ang nasa 21 trabahador ng biglang bumigay ang ginagawa nilang tulay na karugtong ng riles sa India.

Naganap ang insidente sa Sairang na may layong 20 kilometero ng northwest ng Mizoram ang kapital ng Aizawi.

Mayroong apat pang mga trabahador din ang naiulat na nawawala na pinaniniwalaang ang mga ito ay nasawi na.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung ano talaga ang naging sanhi ng nasabing pagbagsak ng tulay.

Nanguna naman si Indian Prime Minister Nahendra Modi sa pagpapaabot ng pakikiramay sa mga nasawing biktima.