-- Advertisements --

Inanunsyo ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui Jr. na exempted na ang 21 na gamot sa value added tax.

Kabilang dito ang dalawang gamot sa cancer, lima para sa diabetes, dalawa para sa mataas na cholesterol, limang gamot sa hypertension, apat para sa kidney disease, isang gamot sa mental illness, at dalawa para sa tuberculosis.

Ayon kay Lumagui, ito raw ang handog ng BIR sa Bagong Pilipinas at simula pa lamang umano ito ng serbisyong manbilis at maaasahan na ibibigay ng ahensya ngayong taon.

Ito ay karagdagan sa nauna ng 59 na gamot na tinanggalan na rin ng value added tax noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang sakit sa puso, diabetes, at tuberculosis ang mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino.