Bagaman isang taon pa lang ang nakakalipas mula noong 2022 elections, nagsimula na umano ang pagpuwesto at matinding labanan para sa 2028 presidential elections.
Ito ay sa likod ng inaabangan pang midterm elections sa 2025.
Ginawa ni Liberal Party President at Albay 1st District Cong Edcel Lagman ang pahayag dahil sa aniya’y obvious o halatadong may kinalaman dito ang pagtanggal sa puwesto kay dating Pangulo at ngayo’y 2nd District Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo bilang Senior Deputy Speaker na ibinaba sa posisyong Deputy Speaker.
Matapos nito ay ang pagbibitiw naman bilang miyembro ng LAKAS-CMD ni VP Sarah Duterte.
Ayon kay Lagman, maaaring masundan pa ito ng mga panibagong resignation ng mga Arroyo at Duterte loyalists.
Tiniyak naman ng Liberal Party President na patuloy nilang papanuorin ang mga kaganapan, bilang principal opposition party.
Matatandaang kasabay ng dalawang nabanggit na political development ay nasundan naman ito ng balitang kudeta laban sa liderato ni Cong. Martin Romualdez bilang House Speaker.