Hindi makakapaglaro sa 2026 NBA All-Star Game si reigning NBA Most Valuable Player Shai Gilgeous-Alexander dahil sa abdominal strain o pananakit ng kaniyang mga kalamnan sa tiyan.
Nakatakda sanang maglaro ang 27-anyos na Canadian para sa World team ngunit kailangan pa niyang sumailalim sa re-evaluation sa kasagsagan ng All-Star break.
Maliban sa All-Star, inaasahang hindi rin siya makakapaglaro sa susunod na limang laro ng Oklahoma City Thunder o maaaring higit pa, habang patuloy na binabantayan ang kaniyang kalagayan.
Hawak ni Gilgeous-Alexander ang average na 31.8 points, 6.4 assists at 4.4 rebounds sa bawat laro niya sa Oklahoma City.
Siya ang pangunahing scorer ng naturang koponan na may hawak ngayon sa pinakamagandang record sa NBA na 40-11.
Samantala, nagawa rin ni Alexander na magpasok ng mahigit 20 points sa loob ng 121 consecutive games.
Ito ay limang games lamang na mas mababa kumpara sa record ng NBA legend na si Wilt Chamberlain.











