-- Advertisements --

Pasado na sa Senado ang 2023 proposed budget ng Department of Agrarian Reform (DAR) na aabot sa P14.39 billion.

Ang nasabing budget ng DAR ay inisponsoran ni Senator Cynthia Villar kung saan mayroong 173,000 ektarya ng lupain ang ipapamahagi sa mga magsasaka.

Sa pagtatanong ni Senator Risa Hontiveros sa DAR k ung ilang mga land holdings ng ahensiya ang kanilang na-review at sinagot naman ni Villar na mayroong 29,000 ektarya.
Target kasi ng DAR na maipamahagi ang 173,000 eketarya ng lupain sa katapusan ng 2025.

Umaasa naman si Hontiveros na mapabilis ang pamamahagi ng lupain dahi noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay napakabagal ang pamamahagi ng mga lupain sa mga magsasaka.