-- Advertisements --
Nakatakdang magpulong sa Hunyo 9 ang mga organizers ng 31st Southeast Asian Games (SEAG).
Laman ng sulat ng organizer sa National Olympic Councils (NOC) ang posibilidad ng pagpaliban ng laro na gaganapin sa Vietnam sa buwan ng Nobyembre.
Isa sa posibilidad na petsa ang Marso 2022 dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang mga bansa.
Bagamat hindi tinamaan ng matindi ang Vietnam ng COVID-19 noong nakaraang taon, subalit nakakaranas na rin ito ngayon ng pagtaas ng kaso.