-- Advertisements --
DBM

Inilabas na ng Department of Budget and Management ang mahigit P11.6billion na pondo para sa performance based bonus ng mga pampublikong guro sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Inaasahang mahigit 920,000 public school teachers ang makikinabang sa naturang benepisyo.

Ang naturang benepisyo ay benepisyo pa ng mga kaguruan noong 2021 na hindi agad naibigay sa kanila.

Samantala, ibinalik naman sa DBM ang mga documentary requirements para PBB ng mga non-teaching personnel ng ibat ibang mga eskwelahan sa bansa.

Ito ay upang muling isailalim ang mga ito sa revalidation at revision.

Kabilang dito ang mga non-teaching personnel mula sa walong Schools Division Office ng DepEd mula sa ibat ibang mga rehiyon na kinabibilangan ng NCR, CAR, R3, R8-Eastern Visayas, at R13-CARAGA

Ayon sa DBM, kailangang maibalik ang mga ito dahil sa pagkakamali sa ilang mga entry, katulad ng hindi tamang impormasyon sa kanilang profile, hindi tugmang impormasyon sa tagal sa serbisyo, nadoble, at iba pa.