-- Advertisements --

Arestado ang 202 katao sa Cavite noong Enero 26 at 27 dahil sa paglabag sa health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Cavite police chief Col. Marlon Santos, naaresto ang 202 katao na ito sa iba’t ibang panig ng probinsya.

Dinakip sila ng pulisya dahil sa hindi pagsuot ng face masks at paglabag sa ipinatutupad na curfew.

Bukod dito, ilan pang indibidwal ang naaresto ng pulisya sa magkakahiwalay namang buy-bust operations, kung saan aabot sa 20 pakete ng shabu ang nakumpiska at isang pakete naman ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Hindi naman nakasaad sa report ng Cavite police kung magkano ang estimated value ng mga nakumpiskang iligal na droga.

Naaresto rin sa dalawang araw na operasyon ang anim na indibidwal sa ilalim ng mga arrest warrants.

Pitong iba pang katao ang naaresto rin dahil sa iba’t ibang uri ng krimen gaya ng theft, beating at iba pang minor offenses.