-- Advertisements --

Napili bilang judge ng Miss Universe Vietnam si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Inanunsiyo ito ng Miss Univerese Vietnam organization sa kanilang social media account.

Gaganapin ang nasabing pageant sa darating na Hunyo 25 sa Saigon Exhibition and Convention Center sa Ho Chi Minh City.

Magugunitang naging judge na rin si Catrion sa Miss Universe pageant ng mga bansang Thailand, South Africa at Colombia.

Bukod pa dito ay naging host na rin siya noong coronation night ng Miss Universe South Africa 2021 at naging judge noon si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.