-- Advertisements --
Nasa 200 na mga kasapi ng Land Tranportation Office sa National Capital Region-West ang ipinakalat nila para sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Oplan Semana Santa at Summer Vacation 2023”.
Ayon kay LTO-NCR West Regional Director Roque Verzosa III na layon ito ay para matiyak na nasusunod ng mga pampasaherong sasakyan ang Land Transportation and Traffic Code” at ilang mga batas ng hanggang Abril 10.
Pagdating naman ng Abril 11 at 12 ay magsasagawa sila ng Oplan Isnabero.
Sakop ng LTO-NCR West ang mga lungsod ng Pasay, Makati, Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, Muntinlupa at Las Piñas.