-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nagsimula na ang 20-working days ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES sa Pikit, Cotabato.

Abot sa 200 mga estudyante ang makakabenepisyo ng naturang programa kung saan makakatanggap sila ng P472.55 bawat araw o P9,451 sa kabuwan.

Ang 60% ng kanilang matatanggap na sahod ay mula sa LGU-Pikit habang ang natitirang 40% naman ay magmumula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ang SPES ay programa ng DOLE sa pakikipagtulungan ng Public Employment Services Office (PESO) na ipinagkakaloob para sa mga estudyante upang makatulong sa kanilang pinansyal na pangangailangan sa kanilang pag-aaral.