-- Advertisements --

Pinalikas ng gobyerno ng Japan ang nasa 200,000 katao dahil sa banta ng paparating na malakas na bagyo.

Magdadala kasi ng malakas na pag-ulan at hangin ang bagyong Haishen.

Nasa mahigit 160 kilometer per hour ang lakas nito at ito ay inaasahang mag-landfall sa Lunes sa south Korea.

Isinara na rin ang maraming paaralan, negosyo at pagawaan sa Japan dahil sa bagyo.

Apektado rin ang ilang daang flights at biyahe ng train kung saan marami ang pinahinto.

Nagbabala naman si Yoshihisa Nakamoto, ang director ng weather agency, na magdudulot ng malaking alon na lubhang delikado sa mga mangingisda.