-- Advertisements --
Nasa 20 percent umano ng Ukraine ang nasa kontrol na ng Russia.
Kinumpirma ito ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky mula ng simulan ng Russia ang pananakop sa kanila noong Pebrero.
Sa kasalukuyan kasi ay pinapatatag ng Russia ang kanilang puwersa sa Donbas region.
Mas malawak na rin ang aniy ang nasakop ng Russia sa kanilang bansa kumapara sa pagsakop nila noong 2014.
Mayroong mahigit 12 milyon na mga Ukrainian na rin ang lumikas na rin at nagtungo sa ibang bansa.