-- Advertisements --

Nasa 20 katao ang nasawi sa naganap na massacres sa Ituri, Congo.

Naganap ang insidente sa bayan ng Bwanasura sa Irumu territory.

Sinasabing ang grupong notorious na Allied Democratic Forces (ADF) militia ang nasa likod ng insidente.

Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa maraming sugatan ang itinakbo sa mga pagamutan.