CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang dalawampong panibagong kaso ng COVID-19.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 6 sa mga bagong kaso ang mula sa Ilagan City, 4 sa Santiago City, 3 sa bayan ng Naguillian, tig-dadalawa sa lungsod ng Cauayan at bayan ng Reina Mercedes habang tig-iisa sa mga bayan ng Cabagan, Cabatuan at Luna.
Magandang balita naman dahil apatnapo ang naidagdag sa mga gumaling kaya bumaba pa sa tatlong daan at labing anim ang aktibong kaso sa Isabela.
Lima ang Returning Overseas Filipinos , anim ang non-authorized persons outside residence ,32 health worker, 4 ang pulis at 269 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.