Nasa 20 overseas Filipino worker pa ang darating sa Pilipinas mula sa Israel sa Oktubre 23, ayon yan kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo de Vega for Migrant Workers Affairs.
Ani de Vega, ang naturang mga Pinoy ay mga caregiver at hotel worker sa Israel.
Inihayag din ni De Vega na walang bagong ulat ng mga Pilipinong nasaktan sa labanan ngayon sa Gaza pero sinabing dalawang pinoy pa rin ang nawawala.
Kasabay nito nilinaw ni De Vega ang mga ulat na ang mga Pilipino sa Gaza ay nagkakaproblema sa pagkuha ng pagkain at tubig, at sinabing hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ito.
Aniya, matagal na ito na parating nagkukulang pero matatag ang mga OFWs at nakakagawa raw ng paraan. Ang nakikita niya lang daw na hamon ay kung hindi maluwag ang blockade, ay mauubosan ang mga ito.
Samantala, may 20 trucks na na ipinadalang tulong sa Gaza ngunit hindi pa rin daw ito sapat.
Sinabi rin ni De Vega na ang pag-activate ng voluntary repatriation program nito sa Lebanon ay pag-iingat lamang para sa 17,500 Pilipinong nagtatrabaho doon.