CAGAYAN DE ORO CITY – Sinampahan ng kasong paglabag ng illegal gambling law (Presidential Decree 1602) ang 20 indibidwal na aktong nahuli ng raiding team ng National Bureau of Investigation 10 na naglalaro ng ‘poker table game’ sa loob ng Sports Zone firm sa Barangay Nazareth,Cagayan de Oro City.
Sinabi sa Bombo Radyo ni NBI 10 special investigator IV Atty Nolan Gadia na kabilang sa sinampahan nila ng kaso ang isang nagngangalang Ryan Degamo na bahagi ng umano’y nagmamaari nang nalusob na poker table sa lugar.
Inihayag ni Gadia na tanging resolusyon mula sa city council ang hawak ng mga nagpapatakbo nito na umano’y hayagan na paglabag sa mga regulasyon ng Philippine Amusement Gaming Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office na lahat nasa superbisyon ng Office of the President ng bansa.
Bagamat maaring makapaghain ng piyansa ng mga salarin sa kinaharap na kaso para sa kanilang pansamantala na kalayaan.