Inanunsiyo ng Russia na sinibak nila ang pagpapaalis nila sa 20 diplomats mula Czech Republic.
Ito ay bilang ganti sa pinalayas din ng Czech Republic na 18 Russian diplomats.
Ayon sa Czech local intelligence agents, mga Russian intelligence operatives umano ang mga diplomats.
Sila umano ang pinaniniwalaang suspek at may kinalaman sa explosion sa kanilang arms depot noong taong 2014.
Samantala, binigyan lang ng isang araw ng Moscow ang mga Czech diplomats na lisanin ang Russia habang 72 hours naman ang ibinigay ng Czech Republic na lisanin ng mga Russia diplomats ang kanilang bansa.
Ang ginawa ng Czech Republic ay may kaugnayan sa panibagong sanctions na ipinataw ng Amerika sa Russia.
Hindi naman nagustuhan ng Russia ang ginawa ng Czech.
“In their desire to please the United States against the background of recent US sanctions against Russia, Czech authorities in this respect even outdid their masters from across the pond,” bahagi ng statement ng foreign ministry. (with report from Bombo Jane Buna)










