Nagmahal, nasaktan, at pinerahan.
Yan ang naranasan ng 20 babaeng pinaibig ng isang lalaki sa pamamagitan ng isang dating app.
Ang naturang suspek, kinikilan pa ang kaniyang mga biktima ng perang nagkakahalaga sa Php15-million.
Kinilala ang naturang suspek na si Jeremiah Jaime Vergara na naaresto rin ng mga operatiba ng NBI Cybercrime Division sa isang restaurant sa Mandaluyong City.
Nakuha mula sa kaniya ang iba’t ibang bank passbook, passport, at tatlong sachet ng cocaine.
Sabi ng NBI, modus ni Vergara na maghanap ng mga babaeng mabibiktima sa isang dating app na may edad 30 hanggang 40 taon gulang, pinapaibig niya, atsaka ooferan ng mga business tulad ng investment, dadalhin ang pera sa casino at kapag natalo, ay iiwanang luhaan ang kaniyang biktima.
Samantala, sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek na nahaharap ngayon sa patong patong na kasong may kaugnayan sa estafa, at possession of prohibited drugs.