CAGAYAN DE ORO CITY – Patuloy na inaalam ng pulisya ang motibo at suspek sa nangyaring pananaga na ikinamatay ng isang 20-anyos na babae sa may Purok-4, Sitio Palasongan, Barangay Sagundanon, Kitaotao, Bukidnon.

Putol na ang ulo at gutay-gutay na ang pribadong parte ng katawan ng biktima na si Marilyn Manchate nang madatnan ito ng mga otoridad sa loob ng kanilang bahay.

Base sa report, umalis ang asawa ng biktima para maghanap ng pagkain ngunit sa pag-uwi nito, duguan at wala ng buhay ang biktima.

Naging palaisipan sa mga pulis kung sino ang suspek sa krimen ngunit marami ang naniniwala na kagagawan ito mismo ng asawa ng biktima.