-- Advertisements --

Nanawagan si Marikina Rep. Stella Quimbo sa pamahalaan na huwag sayangin pagsasailalim ulit sa modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila sa loob ng dalawang linggo.

Sulitin aniya ang pagkakataon na ito para ma-reboot ang COVID-19 plans ng pamahalaan, lalo pa at mismong ang mga frontline healthcare workers na ang umaapela ng time-out sa gitna ng patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases.

Mahalagang hakbang aniya ito kahit pa inaasahang kada araw ay aabot sa P12 billion ang mawawala sa kita ng pamahalaan sa loob ng dalawang linggong MECQ.

“Let us seriously assess how to better collect, analyze, and report data. We must use data strategically to reduce new infections,” ani Quimbo.

“Let’s use this “timeout” to plan how to report data in a way that reminds people how one’s actions impact everyone else. Being careful for one’s self will help take care of our community and country. Isipin ang sarili pati bayan. Kapag sarili Lang ang iisipin, tiyak na kakalat ang virus,” dagdag pa nito.

Ayon kay Quimbo, dapat malinaw na maiparating ng Department of Health (DOH) sa publiko kung ano ang dapat gawin ng bawat isa para mapanatili nilang ligtas ang miyembro ng kanikanilang mga pamilya laban sa COVID-19.

Bukod dito, mahalaga ring linawin at bigyan diin ng DOH ang bilang ng mga available COVID-19 beds sa bawat lungsod at probinsya sa halip na ibigay ang datos sa national level.

“One might end up engaging in risky behavior when given the false impression that all is well. Why emphasize that 90 percent of cases are mild, when this could make people careless? Data presentation is a major driver of people’s behaviour. Kailangan mangamba ang tao para seryosohin nila ang malagim na sitwasyon na hinaharap natin,” saad ni Quimbo.

Pero hindi aniya sasapat na ang gobyerno lang din ang kikilos, kundi dapat ang bawat mamamayan ay gawin din ang nararapat upang sa gayon ay maiwasan ang pagkalat pa lalo ng COVID-19.

“Kelangan ma-impluwensyahan ang tao na mag GMRC (good manners and right conduct) sa pandemya: magsuot ng mask, maghugas ng kamay, at mag social distancing,” dagdag pa nito.

Kumbensido ang kongresista na kasabay nang pagpapalawak sa testing capacity ay ang pagkakaroon ng localized approch sa disease control.

Sa tulong nito, mas magiging epektibo aniya ang pagte-trace at isolate ng LGUs sa mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

Makakatulong dito kung maisabatas na aniya ng Kongreso ang Bayanihan to Recover as One Act para may dagdag na pondo para sa mga LGUs, kasama dito ang ayuda.