-- Advertisements --
Nakatakdang bumalik na sa mundo ang US astronauts na sina Doug Hurley at Bob Behnken.
Ito ay matapos na paglabas nila sa Dragon Endeavour capsule mula sa International space station.
Ang nasabing pag-landing ng dalawa ay nangangahulugan na ang Amerika ay mayroong fully serviceable at fully certified na paraan para makapunta ang tao sa orbit at makabalik muli sa mundo.
Nawala ang kapasidad ng US matapos na iretiro na nila ang space shuttle noong 2011.
Mahgpit na sinusunod ng mission controllers ang guidelines para ligtas na makabalik ang dalawa sa Gulf of Mexico sa western Florida.