Pina-deport na ang 2 Japanese national na umano’y miyembro ng Luffy gang pabalik ng kanilang bansa ayon sa Bureau of Immigration,
Ang Luffy group ay isang sangkot sa mga ilang serye ng bayolenteng krimen doon sa Japan.
Natukoy ng Immigration bureau ang dalawa na sina Sugano Kazushi at Shimoeda Saito na pinadeport dahil pagiging undesirable alien ng mga ito matapos na ibilang sila ng gobyerno ng Japan na mga pugante.
Nagtatago ang 2 sa Pilipinas simula pa noong 2019.
Ayon sa BI, nagtratrabaho ang mga ito bilang scam callers para sa isang criminal group na nangbibiktima sa iba pang Japanese nationals.
Subject din ang mga ito sa arres warrant na inisyu ng Tokyo Court dahil parte ang mga ito ng telecom fraud group.
Matatandaan na noong Pebrero, una ng pinadeport ang mastermind ng Luffy gang na si Yuki Watanabe.










