KORONADAL CITY – Patong-patong na kaso ang kinahaharap ng dalawang suspek ng pamamaril sa bayan ng Polomolok sa South Cotabato.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay PLt. Col. Alex Joe Orcajada, hepe ng Polomolok PNP, kinilala ang mga ito na sina Ian Mark at Michelle Joy Malida na taga-Brgy. Palian, Tupi, South Cotabato.

Batay sa imbestigasyon, hinabol sila ng mga otoridad nang sinita sa bahagi sa Crossing Palkan sakay sa motorsiklo na walang plaka bandang alas 11 ng gabi.

Nang umabot sila sa Brgy. Sulit ay pinaputukan ng mga suspek ang mga pulis, bagay na gumanti ang mga ito ng putok at nasugatan ang dalawa.

Narekober sa kanila ang 38 kalibre na revolver at sachet ng shabu.

Sa ngayon ay nagpapagaling na ang dalawa habang isinampa ang kasong paglabag sa RA 9165 at RA 10591.