-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Napatay ng mga operatiba ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) Misamis Oriental Team ang dalawang suspected drug pushers nang makipag-barilan umano habang ikinasa ang simple lang sana na anti-drug buy bust operation sa ‘gated house’ sa Jasmin Street,Barangay Carmen,Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PDEA Misamis Oriental Team Director Expedito Cardona na kinilala ang suspected drug pushers na sina Henrylle Go;Deovern Jay Uy habang sugatan si Aramina Quisumbing na pawang nakatira nitong syudad.

Sinabi ni Cardona na natunugan umano ng target suspect na si Go ang ahente ng PDEA ang kanyang naka-transaction kaya agad na nagkaputukan sa buy bust area ng ilang mga minuto.

Kalaunan ay bumulagta sina Go at Uy habang malubha na isinugod sa pagamutan si Quisumbing dahil sa tindi ng mga tamang natamo sa katawan.

Natuklasan na unang nagpakilala na police officer si Go kaya humantong sa barilan.

Tinukoy rin ng PDEA na ‘volume of shabu’ supplier ang target suspect sa Misamis Oriental at nitong syudad.

Nakompiska mula sa crime scene ang higit 80 gramo ng suspected shabu na tiantayang nasa halos kalahating milyong piso ang street value.