-- Advertisements --

Tinapos na ng Rain or Shine Elasto Painters ang dalawang sunod na talo matapos talunin ang Blackwater 116-97 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup na ginanap sa Philsport Arena.

Bumida sa panalo ang import na si Ryan Pearson na mayroong 22 points, 12 rebounds at limang assists habang mayroong 21 points, anim na rebounds at tatlong assists si Rey Nambatac.

Mayroon ng limang panalo at anim na talo ang Painters na kapantay nila sa ikapitong puwesto ang Phoenix.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 17 rebounds ni Cameron Krutwig para sa Blackwater na nagdala sa koponan ng tatlong panalo at siyam na talo.