CENTRAL MINDANAO – Dalawang kawal ng gobyerno ang nasugatan sa magkasunod na pagsabog sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Cpl Alexander Flauta nakatalaga sa 90th Infantry Battalion Philippine Army.
Sugatan rin si Cpl Rex Sayada ng 57th Infantry Battalion Philippine Army.
Ayon sa ulat ng 601st Brigade ng 6th Infantry (Kampilan) Division, unang nasabugan si Cpl Flauta nang masagi nito ang booby trap sa Brgy Dasawao, Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.
Makalipas ang ilang oras ay nasabugan rin ng booby trap si Sayada sa Brgy Dasawao.
Ang mga sugatan ay kapwa dinala sa Camp Siongco Hospital sa 6th ID Phil. Army.
Ang tropa ng 90th IB at 57th IB ay nagsasagawa ng combat clearing operation laban sa BIFF nang masabugatan ng bomba.
Sa ngayon ay pinaigting pa ng militar ang pagtugis sa mga teroristang BIFF sa Maguindanao.