-- Advertisements --
Nilalapatan na ng lunas ang dalawang biktima ng pananaksak sa Commonwealth avenue, North Fairview, Quezon City.
Nangyari ang insidente kaninang pasado alas-11:00 ng tanghali.
Kinilala ni QCPD Station 5 commander P/Lt. Col. Melchor Rosales ang mga biktima na sina Raymond Matabang at Son Villaroman na pawang nagtamo ng sugat dahil sa ginamit na kutsilyo.
Tinukoy naman ang mga suspek na sina Abraham Tan at isang Roger Parcon.
Nabatid na naniningil ng pautang ang biktimang si Matabang nang atakehin ito ni Tan.
Tatakas na sana ang mga suspek nang maabutan sila ng mga pulis.
Mahaharap sina Tan at Parcon sa patung-patong na reklamo dahil sa insidente.