Sugatan ang dalawang katao matapos na sila ay pagbabarilin sa isang paaralan sa Virginia.

Ayon sa Newport Police Department na bigla na lamang nakarinig ng putok ng baril ang mga mag-aaral ng high school sa Virginia.

Dinala naman sa pagamutan ang mga nasugatang biktima.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang mga otoridad sa nangyaring insidente.