-- Advertisements --
NAGA CITY – Sugatan ang dalawang inbidibwal matapos na mahulog ang sinasakyang truck sa isang ilog sa Maharlika Highway, Brgy.Flordeliz, Milaor, Camarines Sur.
Kinilala ang driver ng truck na si John Arnold Cañaveral, 24; at kasamahan na si Alfonso Andal, 47-anyos.
Ayon sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), biglang nawalan ng kontrol si Cañaveral sa minamanehong sasakyan kaya nabangga nito ang isang street light bago pa man tuluyang nahulog sa isang ilog sa gilid ng daan.
Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sina Cañaveral at Andal na agad naman na dinala sa ospital para sa agarang lunas.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.