-- Advertisements --
1

Kabilang ngayon ang dalawang sanggol na 9-month old pa lang sa 22 na panibagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) nitong lungsod ng Cebu.

Ayon sa Department of Health(DOH-7) na babae at lalaki ang mga sanggol na nahawaan ng nasabing virus.

Sa ngayon, naitala ang 53 na kaso ng coronavirus sa Cebu City kung saan 21 nito ay mula sa Sitio Zapatera, Barrio Luz at isa naman ay mula sa Brgy. Guadalupe.

Base sa latest data ng DOH-7, mayroon ng 68 ang kabuuang kaso sa COVID-19 sa Central Visayas.

Nakapagtala ng 1 sa Bohol, 3 sa probinsiya ng Cebu, 4 sa Negros Oriental, 4 sa Lapu-lapu City at 3 sa Mandaue City. Nanaatili namang COVID free pa rin ang Siquijor.

Umabot naman sa 23 ang nag-negatibo habang 8 na ang naitalang patay.