-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sugatan ang dalawang miyembro sa Special Action Force (SAF) matapos ito pinagbabaril ng armadong lalake sa Barangay Lito, Sulop Davao Del Sur, pasado alas-10 kagabi.

Kinompirma naman ni Police Captain Darryl Francis Ramos, Chief of Police sa Sulop Municipal Police station na isa sa mga armadong lalaki ang napatay sa engkwentro.

Kinilala ni PCpt. Ramos ang mga sugatang miyembro ng SAF na sina PCMS Mervin A. Alapan at Pat. Leonardo S Lawayan na kasalukuyang gimagamot.

Sinabi ni Ramos na ang mga biktima ay bahagi ng dalawang SAF team na binubuo ng 16 members na idineploy sa Sulop bilang augmentation force sa panahon ng Eleksyon.

Base sa imbestigasyon ng Sulop Municipal Police Station nangyari ang sagupaan alas 10:45 kagabi pagitan sa
111 Special Action Command (SAC), 11 Special Action Battalion (SAB), Philippine National Police- Special Action Force (PNP-SAF) bilang augmentation sa Quick Reactionary Force (QRF) para sa National and Local Election (NLE) 2022 at sa humigit sa limang armadong lalaki.

Tumagal ng 20-30 minuto ang bakbakan na rumesulta sa pagkamatay ni Renil L. Pagalan – isa sa mga armadong lalaki.

Matapos ang labanan, nakita mula sa pinangyarihan ang isang hindi sumabog na hand grenade, Fragments sa hand grenade na nakita mula sa lugar, kung saan nangyari ang pagsabog, 2 litro ng gasoline na inilagay sa bote ng nakakalasing na alak at ginawa itong molotov improvised bomb ang mga empty shell sa iba’t-ibang uri ng armas.

Narekober din mula sa patay’ng suspect ang isang caliber 45, magazine na puno ng bala, at apat na iba’t -ibang identification cards na merong iba’t-ibang address at isang cellphone.

Samantala, patuloy ang Hot pursuit operation.

Tiniyak din ni PBGEN BENJAMIN SILO, JR, regional director sa PRO 11 na gagawin lahat ng personnel sa PNP ang kanilang trabaho at sisiguradohin ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan sa Lunes, May 9, 2022.