BUTUAN CITY – Nakilala na ang isa sa dalawang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na napatay sa engkwentro kahapon ng madaling araw sa Sitio Kipundaw, Brgy. Sangay, Buenavista, Agusan del Norte.
Sa eksklusibong paknayam ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni 1st Lt. Andy Ledesma, ang Civil Military Operations o CMO officer ng 23rd Infantry ‘Masigasig’ Battalion, Philippine Army, ang isa na si Fernan Sugalong alyas Temple o kaha Python, taga-Agusan del Sur at miyembro ng Platoon 2 ng Sub-Regional Sentro De Gravidad kon SRSDG-Sagay, Sub-Regional Committee 3 sa North Central Mindanao Regional Committee kon NCMRC.
Habang ang isa pa ay patuloy pa ring kinilala ang totoong identity, matapos na makilala lamang ito sa loob ng organisasyon sa alyas na Kasikas, umano’y political instructor ng Headquarters Neo ng NCMRC.
Naibalsama na rin ang dalawang bangkay at dinala na sa isang punerarya sa kalapit na bayan ng Nasipit at nag-aantay na lang sa magki-claim.