-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Nagtala ng 16 na pasyente ang nasawi na itinuring na person under investigation (PUI) ng Coronavirus Disease (COVID-19) na unang naka-confine sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) na nakabase sa Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni City Mayor Oscar Moreno kinabilangan ito ng isang senior citizen na babae na bago lamang naipasok sa NMMC subalit binawian rin ng buhay.

Inihayag ni Moreno hinihintay pa ang confirmatory result ng throat swab sampling ng biktima lalo pa’t ilan sa mga suspected coronavirus symptoms ay naitala ng mga doktor sa pasyente.

Maliban rito,negatibo naman sa COVID-10 ang isa pang pasyente na nagmula sa bayan ng Laguindingan,Misamis Oriental na naka-confine rin sa nabanggit na pagamutan.

Bagamat mas nauna ito sa 68 anyos na senior citizen na pasyente naipasok sa pagamutan subalit batay sa resulta ay ibang karamdaman at hindi coronavirus ang dahilan ng pagkasawi.

Magugunitang sa 16 na nasawi sa NMMC sa kasagsagan ng coronavirus crisis,tanging ang patient no. 40 na resident ng Marawi City,Lanao del Sur pa lamang ang kompirmado na unang nasawi habang ginagamot noong Marso 2020.