-- Advertisements --
Tinutugis na ngayon ng team na binuo ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dalawang preso na tumakas kanina sa sa Quezon City Jail habang isinasagawa ang earthquake.
Sinamantala ng mga bilanggo ang pagpuga sa kasagsagan ng earthquake drill dakong alas-4:00 ng madaling araw.
Posible umanong dumaan sa drainage ng Quezon City Jail ang mga tumakas na sina suspek na sin Mamerto Valenzuela at Dennis Valdez.
Ayon kay BJMP spokesperson Chief Insp. Xavier Solda si Valenzuela ay nahaharap sa kasong rape habang si Valdez ay sangkot naman sa pagbebenta ng illegal drugs.
Matapos umano ang earthquake drill ay dito pa lamang nalaman ng mga otoridad na nakatakas ang dalawa.