-- Advertisements --

Nakiisa ang dalawang planters federations sa panawagan na bawasan ang dami ng aangkating asukal na 450,000 mterikong tonelada na iminungkahi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) para sa dalawang buwang buffer stock.

Sa joint letter na isinumite sa nakalipas na buwan sa SRA, umapela ang ational Federation of Sugarcane Planters (NFSP) headed by Enrique Rojas at Panay Federation of Sugarcane Farmers (PanayFed) na mag-angkat lamang ng 350,000 MT ng asukal na darating sa bansa sa pamamagitan ng dalawang tranches kasunod ng pagsasara ng kasalukuyang milling season at bago ang pagsisimula ng milling season sa Setyembre ng kasalukuyang taon.

Ito ay 175,000 metric tons kada shipments ng imported sugar na inaasahang darating sa Hulyo at Agosto.

Una ng inaprubahan ng SRA noong Pebrero 2022 ang importasyon ng 200,000 MT ng refined sugar para sa beverage industry.

Base sa data mula sa SRA noong Enero 13, 2023 ang average retail price ng refined sugar ay nasa P100.72 kda kilo sa mga supermarket at P97.50 naman sa mga wet markets sa Metro Manila.