-- Advertisements --
image 350

Dalawang Philippine Air Force (PAF) S-70i “Black Hawk” combat utility helicopter kasama ang katulad na American aircraft ang nakibahagi sa long range multi-ship assault exercise sa Paredes Air Station, Ilocos Norte.

Sa isang pahayag, sinabi ni PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo na ang dalawang “Black Hawk” helicopter ay mula sa kanilang 205th Tactical Helicopter Wing.

Lumahok para sa panig ng US ang 13th Marine Expeditionary Unit at 25th Combat Aviation Brigade.

Ang ehersisyo ay bahagi ng “Balikatan” ngayong taon na nagsimula noong Abril 11 at magtatapos sa ika-28.

Binigyang-diin ng naturang exercise ang airlift ng 189 combat troops na binubuo ng 46 personnel mula sa US Army, 27 personnel mula sa Australian Army, at 86 personnel mula sa Philippine Army sa tuloy-tuloy na long range transport mula Fort Magsaysay hanggang Laoag Airport hanggang Paredes Air Station sa Pasuquin, Ilocos Norte.

Idinagdag niya na ang “multi-ship mission” ay binubuo ng dalawang MV-22 “Osprey” tilt-rotor aircraft, dalawang CH-53 “Sea Stallion” helicopter, tatlong UH-60 at dalawang S-70is na kagamitan ng mga militar.